|
|
Ang Boracay na kilala natin ngayon (Mula sa ABS-CBN)
Unang una, ito'y dahil sa kapabayaan ng mga turista, mga negosyante, at mga residente mismo, banyaga man o Pilipino, sa mga basurang naiiwan at unti-unting naiipon sa dating malinis na dalampasigan. Kung may naglilinis man, kukonti lamang sila, at hindi sapat upang ganap na malinis ang Boracay na walang tulong sa pamahalaan. Kung may residente o turista mang nababahala, baka wala naman silang kasipagang maglinis.
Oo, para sa 'kin, tama naman na ipapasara ng pamahalaan ang Boracay upang lubusang malinis at ma-iayos hindi lang para makita ang magandang tanaw sa dalampasigan, para rin ito sa kapakanan ng mga bahura, lamang dagat, at iba pang yamang-dagat. Subalit nakakainis rin dahil bakit ngayon lang ito napag-isipan ng pamahalaan? Malamang, may ibang suliranin ang kanilang ikinakaharap, subalit wala man bang kahit isang kapitan sa Boracay ang kumilos upang malinis ang Boracay? Kahit isang residente ang kumilos? O 'di kaya'y nahihiya sila at tinignan na lamang ang unti-unting pagkasira ng baybayin? Bakit mo naman ikakahiya ang pagkalinga sa isang tanawing iyong ipinagmamalaki?
Alam na man natin na maraming yamang-dagat ang pambihirang makita sa mundo at iba sa ito'y nasa Pilipinas lamang makikita. Kaya't hindi lang natin ito ipagmalaki, ito'y atin ring kalingain. Kaya't sa ngayon, ating abangan na lamang ang kalalabasin ng rehabilitasyon ng Boracay.
Categories: Pambansa, Abril 2018
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.