|
|

(Kaliwa-kanan) Pangulong Kim Jong Un (NK) at Moon Jae In (SK) (Mula sa The Financial Express)
Para sa buong daigdig, isa itong pangyayaring nakamamangha, dahil alam naman natin na mayroong hindi pagkakasundo ang dalawang bansa matapos ang Digmaang Korea noon pang 1950, mahigit anim na dekada nang nakakalipas. Subalit ang kanilang pulong kahapon ay makasaysayang kaganapan.Siya nga pala, tungkol sa denuclearization ang kanilang ipinanagtagpo. Ngunit ano ang kapakinabangan o bunga ng kanilang pulong tungkol sa denuclearization? Ating alamin.
Una, para ito sa lubos na kapayapaan at katiwasayan sa dalawang bansa. At 'pag may kaayusan ang dalawang bansa, ang kanilang ugnayan ay tatatag. Ito rin ay para maibsan ang tensyon o tuluyang maging matiwasay ang hangganan ng North Korea at South Korea. Pangalawa, Kapag kaya ng North Korea na makipagkaayusan sa South Korea, siguro naman kaya rin nila makipagkaayusan sa Estados Unidos. Ayon sa ating kaalaman at napapanood, mayroong matindin kasuklaman at pagkapoot sa Estados Unidos ang North Korea dahil sa propagandang ideolohiko na ipinapa-igting ng pamahalaan ng North Korea sa kanilang mga payak na mamamayan. At kung makipagkaayusan man ang North Korea sa Amerika, maaaring iwaksi ng North Korea ang propagandang ideolohiko at imulat ng pamahalaang North Korea ang mga isipan ng kanilang mamamayan tungkol sa Amerika, kahit magalit man sila sa kanilang pamahalaan. Pangatlo, kapag ganap na isinulong ang denuclearization sa North Korea, maiibsan ang tensyon ng mga bansa o partikular na pook na asintahang bagsakan ng missiles kagaya ng Guam na noo'y binantaan ng North Korea na bagsakan ng missile noong Agosto 2017.
Marami pang kakalabasin ang pangkaraniwan ngunit makasaysayang pag-uunawan ng dalawang bansa. Subalit kaysa sa paghahangad ng magagandang kakalabasan ng pagpupulong ng dalawang bansa, ipagdasal nalang natin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng North Korea hindi lamang sa karatig na bansa, pati na rin sa iba pang nasyon sa iba't-ibang lupalop.
Categories: Pandaigdig, Abril 2018
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.